Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Babae natagpuang patay

Babae natagpuang patay

ALICIA, Isabela – Isang bangkay ng babae na may tama ng bala sa ulo at likod at nakagapos ang kamay at paa ang natagpuan kahapon ng umaga sa Barangay Paddad ng bayang ito.

Ayon sa report ng Isabela Provincial Police, ang bangkay ay may taas na 5’3”, nakasuot ng black long-sleeved blouse at black short pants, may “tribal” tattoo sa likod, at may silver na singsing sa daliri ng kanang kamay.

Sinabi ni Chief Inspector Santos Tecbobolan, chief of police, na natagpuan ang bangkay sa madamong bahagi ng gilid ng kalsada dakong alas-6 ng umaga. Nakatali ang kanyang mga kamay at paa ng brown packaging tape.

May mga patak ng dugo sa lugar kung saan nakita ang biktima, isang indikasyon na doon siya mismo pinatay, ayon sa police.

“Medyo inaalam pa natin ang motibo sa krimen at sinisikap na makakuha ng witness, at may kalayuan ito sa mataong lugar,” sabi ni Tecbobolan. (Liezle Basa Iñigo)

comments