Home » News » News Roundup » Dating pulis tumba sa Caloocan

Dating pulis tumba sa Caloocan

Patay ang isang pulis nang pagbabarilin ito ng isang lalaki habang sakay ng kaniyang motorsiklo madaling-araw ng Martes sa Caloocan City.

Kinilala ni Chief Insp. Illustre Mendoza, ang biktima na si PO1 Alex Reyes, 38-anyos na sinasabing naka AWOL o Absent Without Leave sa destino nito sa PNP Special Action Force (SAF).

Idinagdag ng kapatid nito na na-dismiss si Reyes sa serbisyo dahil sa kaso ng ipinagbabawal na gamot. Ayon sa ulat, minamaneho ng biktima ang kaniyang motor nang bigla itong pagbabarilin ng suspek sa isang lugar sa Lirio Street sa Barangay 274 sa Camarin, Caloocan City.

Dead on the spot ang biktima sanhi ng tama ng mga bala sa iba’t-ibang parte ng katawan. (Ed Mahilum)

comments