Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Ex-cop huli sa shabu session

Ex-cop huli sa shabu session

DAGUPAN CITY, Pangasinan – Isang dating pulis ang inaresto ng mga tauhan ng Dagupan City Police matapos na makita siya sa aktong sumisinghot ng shabu sa isang abandonadong barong-barong sa Pantal Centro, Pantal, noong Lunes.

Kinilala ni Supt. Christopher Abrahano, chief of police, ang inarestong suspek na si PO1 Wilson Palisoc Ballesteros, 35, dating nakatalaga sa Dagupan Community Police Station.

Bago pa siya naaresto noong alas-5 ng gabi, nakatanggap ang pulisya na reklamo na isang dating pulis ang nakikita lagi na gumagamit ng shabu sa isang barong-barong sa Centro Pantal.

Isang police team ang ipinadala sa naturang lugar kung saan nahuli si Ballesteros na humihitit ng shabu. Napag-alaman na sinibak si Ballesteros sa serbisyo noong isang taon dahil sa paggamit ng droga.

Nakakulong na ngayon ang dating pulis sa police station. (Liezle Basa Iñigo)

comments