Home » Entertainment » Jodi hopes to get married again

Jodi hopes to get married again

29jodi copy copy

NAKIKITA pa rin pala ni Jodi Sta. Maria ang kanyang sarili na mahahanap ang right guy at muli siyang maikakasal sa hinaharap.

Ito ay sa kabila ng failed marriage niya kay Pampi Lacson, kung kanino siya nagkaroon ng isang anak, si Thirdy. Nag-fail din ang relationship niya kay Jolo Revilla, na kamakailan ay kinumpirmang hiwalay na sila pero friends pa rin daw sila.

“Ako? Kung may pagkakataon, oo. Bakit naman hindi, di ba? I also want to have more children in the future kung ipag-aadya ng Panginoon. So, pag dumating ’yung tamang tao… nakikita ko naman ’yung sarili ko na ikakasal (ulit). Kasi I thought dati hindi na e. Pero habang tumatagal parang nandoon pa rin sa heart ko ’yung desire to have a family,” pag-amin ni Jodi nang mag-guest siya sa ABS-CBN morning talk show na “Magandang Buhay.”

Nagbigay naman ng advice at pahabol na birthday wish kay Jodi ang kanyang mga kaibigan at “The Achy Breaky Hearts” leading men na sina Ian Veneracion at Richard Yap. May kinalaman ’yon sa usaping puso. Nag-birthday si Jodi noong June 16.

“Sasabihin ko sana mahanap niya ’yung magpapasaya sa kanya talaga. Pero nagseselos ako e,” biro ni Ian. “Basta pag may nanligaw sa iyo kaming dalawa (ni Richard) ’yung screening committee mo, okay? Dadaan muna sa amin.”

So, ang birthday wish niya para kay Jodi ay sana walang manligaw? “Sana. Kasi masaya naman siya ngayon e. Sana hindi na niya hanapin. Kung hindi man, kung wala man, sana hindi na niya hanapin at maging masaya siya. Kasi kumpleto na siya on her own,” dagdag pa ni Ian.

Wish naman ni Richard para kay Jodi, “Love, happiness, and fulfillment even though with or without a partner. You and Thirdy, you have the best of everything already, so icing on the cake na lang ’yun kung mayroon (darating na guy).”

May pahabol na biro pa si Richard, “Pero ilakad kita kay ano…”

“Ang bad mo!” natawa na lang sabi ni Jodi.

Mula sa produksyon ng Star Cinema at direksyon ni Antoinette Jadaone, ang “The Achy Breaky Hearts” ay ipapalabas sa mga sinehan nationwide simula ngayong June 29. (GLEN P. SIBONGA)

comments