Home » News » News Roundup » Mag-uutol nabitag sa droga

Mag-uutol nabitag sa droga

Laglag sa bitag ang tatlong magkakapatid, isa dito menor de edad, sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Las Piñas City.

Ayon kay Las Piñas Police chief Sr. Supt. Jemar Modequillo, nadakip ng pulisya sa isang drug bust ang magkakapatid na sina Edward Domingo, Caridad at Jaimyluz, na pawang residente ng Pag-asa Compound, Pilar Village, Las Piñas City.

Huli ang tatlo ganap na 11:00 p.m. ng gabi nang magsagawa ng operasyon ang mga miyembro ng Station Anti-Illegal Drugs kung saan nakuha sa mga ito ang tatlong sachet ng shabu at isang .22 caliber magnum na may walong live ammunition.

Kasalukuyang nakadetine sina Edward at Caridad sa Las Piñas police jail habang inihahanda ang pagsasampa ng kasong illegal possession of drugs and firearms.

Si JaimyLuz naman ay idineretso sa Department of Social Welfare and Development Office dahil na din sa pagiging menor de edad. Dinala naman ang mga nakumpiskang ebidensiya sa PNP Crime Laboratory para sa examination. (Jean Fernando)

comments