Home » News » News Roundup » New Roundup » World News » May forever sa manyika

May forever sa manyika

Mula sa pagiging sex doll, nauwi sa pagkakaroon ng ‘true love’ ang pagsasama nina Tokyo-born Senji Nakajima at ang itinuturing niya ngayon na lifelong partner na si ‘Saori’.

Ang 61-year-old na si Nakajima ay umamin na itinuturing niya ngayon na ka-relasyon ang ang sex doll na kaniyang binili anim na na taon na ang nakararaan.

Ayon kay Nakajima, binili niya lamang noon ang sex doll upang magamit habang malayo siya sa kaniyang asawa kung saan ay mayroon itong dalawang anak.

“For me, she is more than a doll. She never betrays. I’m tired of modern, rational humans. They are heartless,” ani Nakajima.

Todo-alaga si Nakajima sa kaniyang partner dahil bukod sa pagpapaligo dito, nakakasama niya din si ‘Saori’ habang nanood ng TV, binibihisan ng magagarang damit at buong pagmamalaki na ipinapasyal gamit ang isang wheelchair.

“For me, she is more than a doll. Not just a silicon rubber. She needs much help, but still is my perfect partner who shares precious moments with me and enriches my life,” ani Nakajima.

Hindi inflatable ang mga sex dolls na katulad ni Saori dahil gawa ito sa silicone. Mabentang-mabenta ang mga sex dolls sa Asian region kahit na may presyo ito na $4,000 kung saan aabot sa 50 piraso ang sinasabing ibinebenta sa merkado. (DP)

comments