Home » Entertainment » Pia celebrates monthsary as Miss Universe

Pia celebrates monthsary as Miss Universe

PIA Wurtzbach

Nag-celebrate ng kanyang ika-6th monthsary ng pagiging Miss Universe si Pia Alonzo Wurtzbach noong nakaraang June 20.

December 20, 2015 noong koronahan si Pia in Las Vegas, Nevada bilang ikatlong Miss Universe na mula sa Pilipinas.

Binalikan nga ni Pia ang mga nangyari sa kanya sa loob lamang ng anim na buwan. Kasama na ang pakikipag-meet niya sa mga world leaders, makipag-selfie sa mga international stars, pagbiyahe sa iba’t ibang bansa, maging correspondent ng Super Bowl, ma-link sa isa sa pinakaguwapong bachelor on social media at ang pinakaimportante ay ang matupad ang mga advocacies niya tulad ng pagtulong sa mga bata at ang awareness sa HIV.

Bilang ambassadress ng HIV Prevention by Aid for AIDS, patuloy na tumutulong si Pia sa awareness ng sakit na ito, lalo na sa LGBT community sa buong mundo.

Kasama na rito ang Pilipinas kung saan may highest number of HIV-related cases ang naitala last year.

Kelan lang ay bumisita si Pia sa Apicha Community Health Center in New York para magpa-HIV test.

May isang netizen na nag-post ng pagdalaw ni Pia sa naturang health center.

Ang mga post ay ang mga sumusunod:

“Miss Universe stopped by Apicha CHC today to get HIV tested #knowyourstatus #endaids2020 #gettested”

“She did it, let’s get ourselves tested today #MissUniverse #PiaWurtzbach #HIV #HIVAwareness #EndAids #Apicha”

“#MissUniverse #PiaWurtzbach got herself tested for #HIV ❤ #HIVAwareness #Advocacy #EndAids #StigmaWarrior#NewYork #NYC #Philippines Follow Pia on SnapchatMissUniverseOrg”

Kasama rin si Pia sa Top 50 Most Influential Pinoys Online ng isang magazine kung saan siya ang cover.

Tinawag naman siyang “best Miss Universe ever” ng kanyang naging best friend na si Miss USA 2015 Olivia Jordan na naging 2nd-runner up sa Miss Universe.

Heto ang post ni Olivia sa Instagram:

“It’s the summer solstice, a time where light triumphs over darkness.💫🌕✨ @Piawurtzbach u r a light shining bright even when haters try to bring you down; thanks for always letting your positivity shine through. Throwing it back to 6 months ago, the night both of our lives changed; mine, mostly just cuz I got you for a Roomie and friend.☺️ Congrats on being the best@MissUniverse ever Queen P; keep killing it for the second half of your reign!!💕 #feeling #nostalgic #missyou #missuniverse#missusa #summersolstice” (RUEL J. MENDOZA)

comments