Home » Entertainment » Angel experiencing a lull in career

Angel experiencing a lull in career

30Angel Locsin1 instagram copy

MAY bulung-bulungang diumano’y, gustong bumalik ni Angel Locsin sa GMA. Nganga raw kasi ang aktres dahil wala pa siyang project sa ABS-CBN. How true, mas priority raw kasi ng Kapamilya Network ang mga mas nakakabatang artista? Ang mga ito ang namamayagpag sa mga proyekto.

Ano na nga ba ’yung huling teleserye ni Angel sa ABS-CBN? Naging judge naman si Angel sa “Pilipinas Got Talent” along with Robin Padilla and Vice Ganda. Ang ex-boyfriend niyang si Luis Manzano ang host ng PGT with Billy Crawford.

Sa bagong TV commercial ng inihaw na manok ay si Coco Martin na ang celebrity endorser. Pinalitan na kaya niya si Angel? O, dagdag na endorser lang si Coco? Lipat-manok ang actor na dating endorser ng isang kilalang chicken house.

Abang-abang na lang kung totoong babalik si Angel sa GMA na dati niyang pinag-reynahan. Sakaling maging Kapuso siya muli, mabawi kaya niya ang korona sa reigning Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera?

comments