Home » News » News Roundup » Barbero nambugbog

Barbero nambugbog

Arestado ang isang barbero pagkatapos umano niyang bugbugin ang kanyang kinakasama sa Barangay Batasan Hills, Quezon City noong Martes.

Ayon sa imbestigasyon ng Quezon City Police District Station 6, nagkaroon ng alitan ang suspek, 50, at biktima, 30.

Nainis ang suspek at binugbog ang biktima. Nagtamo ng pasa ang biktima at humingi ng tulong sa mga kapitbahay.

Dumating ang mga barangay tanod at dinala ang suspek sa barangay hall. Itinuro ng biktima ang suspek na siyang nanakit sa kanya at dinala sa QCPD Station 6.

Desidido ang biktima na kasuhan ang kanyang kinakasama. (Vanne Elaine P. Terrazola)

comments