Home » News » News Roundup » Drug pusher binaril

Drug pusher binaril

Sugatan ang isang baklang beautician na hinihinalang drug pusher pagkatapos barilin sa Pasay City noong Martes.

Ayon kay Chief Insp. Rolando Baula ng Pasay police Station Investigation and Detective Management Branch, nakatayo ang biktimang si Justine Samonte sa BAC-11 Riverside, Don Carlos Village, nang lumapit ang isang lalaki at binaril siya sa leeg.

Tumakas ang suspek samantalang dinala ang biktima sa ospital kung saan siya kasalukuyang nagpapagaling. Masusing iniimbestigahan ng mga pulis ang kaso. (Martin A. Sadongdong)

comments