Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » GMA releases Winwyn

GMA releases Winwyn

Marian Rivera

LUMABAS na ang TV commercial ng mag-inang Marian Rivera at Baby Zia para sa isang baby product. Ang cute at very lovable talaga ng panganay nina Marian at Dingdong Dantes. Ang gandang kumbinasyon ng mag-asawa. Tama lang na gustuhin ni Dingdong na magkaroon pa ng tatlong anak sa kanyang beautiful wife. Babies pa more!

Okey lang naman ito kay Marian at aniya, kahit ilang anak ang gusto ng kanyang hubby, ibibigay niya. Kaya lang, gusto ni President Rodrigo Duterte na hanggang tatlong anak lang ang isang pamilya. Pati kaya ’yung can afford namang bumuhay ng maraming anak, dapat tatlong anak lang? O, ’yung mga pamilya lang na hirap sa buhay?

Anyway, nag-taping na si Marian sa requel ng “Encantadia” where she plays Ynang Reyna o si Reyna Mina-A. Si Dingdong naman ay gaganap bilang Raquim at kapuwa excited ang mag-asawa sa balik-tambalan nila. Huli silang nagkasama sa “My Beloved” four years ago.

Samantala, enjoy si Marian sa hosting stint niya sa “Yan ang Morning.” Thankful siya sa magandang feedback na kayang-kaya raw pala niyang mag-host. Kaya naman aniya, nadagdagan ang self-confidence niya. Noong una raw kasi’y may takot factor siya na baka hindi siya matanggap bilang host.

May gay benefactor?

Iniintriga si Aljur Abrenica sa nabili niyang bahay somewhere sa Scout area sa QC. Diumano’y galing ’yun sa isang rich gay benefactor.

May mga kumukuwestiyon na paano raw na-afford ni Aljur bumili ng house na multi-million pesos ang halaga? Total renovation pa ang ginawa dahil ani Aljur, gusto niyang iakma sa kanyang personalidad ang structure ng nabili niyang house.

Ayon pa sa mga intrigero’t intrigera, na-frozen delight si Aljur nu’ng nagkaroon ng isyu sa kanya at sa GMA7. Frozen din diumano ang source of income niya.

May family business sina Aljur, meron silang resto-bar at resort sa Batangas. Unfair na sabihing wala siyang pinagkakitaan sa panahong wala siyang project sa GMA.

Sa pagkaalam namin, bago pa nagkaroon ng isyu between Aljur and GMA ay nabili na ni Aljur ang iniintrigang bahay niya. Natagalan nga ang paglipat nila dahil maraming inayos sa bahay.

Nag-ambagan silang pamilya sa bahay na ’yun at hindi lang sariling pera ni Aljur ang ipinambili. Deadma na lang siya sa mga nang-iintriga at focused siya sa kanyang trabaho. Thankful siya sa magandang feedback sa teleserye nila ni Janine Gutierrez. Malakas ang screen chemistry nila sa “Once Again” at marami ang nagre-request na patagalin pa ang airing nito.

Mamaya sa “Once Again,” maido-drawing ni Aldrin ang mukha ng young Lukas base sa panaginip niya sa regression.

Malalaman ni Celeste na soulmates sina Aldrin at Des at past souls sina Edgar at Reign. Sasabihin niya ’yun kay JV.

Pero hindi ito naniniwala sa reincarnation. Tatanggi si Des makipag-dinner kay JV.

Walang project

Wala naman sigurong kinalaman ang pagiging open nina Mark Herras at Winwyn Marquez sa kanilang relasyon, kaya may balitang pinakawalan na si Winwyn ng GMA Artist Center. Ayon sa tsikang nakarating sa amin, diumano’y walang maibigay na project kay Winwyn. Parang ang babaw naman yata nu’n.

May mga nakalatag na proyektong gagawin ang Kapuso Network at pwede namang isama si Winwyn. Hindi naman siya choosy sa role na ini-o-offer sa kanya. Hindi isyu sa kanya kung natotoka siya sa kontrabida role.

Huling napanood si Winwyn sa “Little Nanay” kung saan kasama rin sa cast si Mark. Nagkasama rin sila at naglaban pa sa “Lip Sync Battle Philippines.”

Kamakailan ay nag-guest si Winwyn sa isang episode ng “Family Feud” sa ABS-CBN, hosted by Luis Manzano. May mga nag-isip tuloy na hindi raw kaya sooner or later ay mag-ober da bakod na si Winwyn kung totoong wala nang maibigay na project sa kanya ang GMA?

comments