Home » News » News Roundup » Magasawa nilooban

Magasawa nilooban

Nilooban umano ang bahay ng magasawa ng pitong armadong lalaki sa Quezon City noong Linggo. Tinatayang nasa P200,000 halaga ng ari-arian ang natangay sa mga biktimang sina Precious at Elmer Borlongan, residente ng Maningning St., Barangay Sikatuna Village, at driver at maid nilang sina Rashied Ahmed at Cynthia Lego.

Ayon sa ulat ng Quezon City Police District Station 9, paalis ang magasawa kasama si Ahmed nang biglang dumating ang mga suspek at nagpakilalang mga pulis.

Tinutukan ng baril ang mga biktima at pumasok sa bahay. Dinala ang mga biktima sa banyo, ikinulong, at ninakawan.

Tumakas ang mga suspek samantalang nakalabas ang mga biktima at nagsumbong sa mga pulis. Nakilala ng mga biktima ang dalawa sa mga suspek na sina Michael Tuldac ng Okra St., Barangay Tumana, Marikina City, at Raizen Paul Barandino ng Pinoy Guidote St., Tondo, Manila. (Francis T. Wakefield)

comments