Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » P1.1-M shabu kumpiskado

P1.1-M shabu kumpiskado

LUCENA CITY, Quezon – Tinatayang nasa R1.1 milyon ang halaga ng shabu ang nakumpiska sa dalawang kilabot na drug pusher na nadakip sa police entrapment operation sa Amber St., Stone Gate Subdivision, Barangay Domoit, nitong Martes ng gabi.

Ayon kay Senior Superintendent Eugenio Paguirigan, Quezon provincial police director, nasamsam mula kina Paulo Bungaros Macadator at Zhamaikoe Te Batua, 26, businesswoman, ang droga sa buy-bust operation na isinagawa ng mga operatiba ng Quezon Police intelligence branch at Lucena Police bandang 4:20 p.m.

Bago sila naaresto, nakabili sa kanila ang isang confidential informant ng shabu.

Nakakulong ngayon ang dalawa sa Lucena Police custodial facility habang inihahanda ng pulisya ang pagsasampa ng kaso sa kanila dahil sa paglabag sa anti-drugs law ng bansa. (Danny J. Estacio)

comments