Home » News » Headlines » Rapist timbog sa Navotas

Rapist timbog sa Navotas

Timbog ang isang construction worker na humalay umano sa isang walong taong gulang na babae sa Navotas City noong nakaraang taon.

Ang suspek ay naaresto ng mga barangay tanod na nakilalalang siya ay pinaghahanap sa kasong rape habang naglalakad sa Barangay Tangos.

Dinala ang suspek sa mga pulis at siya ay positibong kinilala ng biktima. Inamin ng suspek ang paratang.

Ayon sa biktima, hinalay siya ng suspek malapit sa ilog sa Barangay Tangos noong Oktubre 14, 2015. Nagtago ang suspek pagkatapos ng insidente hanggang sa siya ay maaresto. (Jel Santos)

comments