Home » News » News Roundup » 12 parak sugatan sa rally

12 parak sugatan sa rally

Labingdalawang pulis ang sugatan nang harangin ang 100 estudyanteng nagrally sa harap ng bahay ni dating Pangulong Aquino sa Times St. sa Quezon City kahapon.

Kabilang sa mga pulis na nasugatan si Supt. Dario Añasco, hepe ng Quezon City Police District Station 2.

Sinabi ni Añasco na dumating ang mga estudyante bandang 3 p.m. at nagdaos ng maiksing programa at nanawagan na ipakulong si Aquino dahil sa mga kasalanan nito sa panahon ng kanyang panunungkulan.

Sinubukang tanggalin ng mga nagproprotesta ang mga harang sa kalye upang makalapit sa bahay ni Aquino.

Pinigilan sila ng mga pulis at nagkaroon ng girian kung saan 12 sa kanila ang nasugatan. (Francis T. Wakefield)

comments