Home » News » News Roundup » 15 drug suspects sumuko

15 drug suspects sumuko

Labinlimang hinihinalang drug pushers at users sa Barangay San Isidro, Quezon City ang kusang sumuko sa mga otoridad noong Miyerkules.

Sumuko ang mga suspek – 12 lalaki at tatlong babae – kina Supt. Christian dela Cruz, Quezon City Police District Station 11 commander, at Barangay San Isidro Chairman John M. Reyno sa isang programa sa barangay hall.

Pinuri ni Reyno ang mga suspek sa desisyon nilang sumuko at siniguro na tutulungan sila ng Quezon City government sa kanilang pagbabago.

Pinaigting ng Quezon City government ang kampanya laban sa droga alinsunod sa adhikain ni Pangulong Duterte nang ilunsad ang “Operation Plan Kapak” o “Operation Katok at Pakiusap.”

Layon ng programa na pakiusapang sumuko ang mga hinihinalang drug personalities at mangakong titigilan na nila ang kanilang illegal na gawain. (Francis T. Wakefield)

comments