Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » AlDub fans dismayado kay Jasmine

AlDub fans dismayado kay Jasmine

14aldub-copyAlcun

BIG challenge at big pressure kina Alden Richards at Maine Mendoza ang first solo movie nila, “Imagine You & Me.”

Walang big stars to support them. Maski sino sa dabarkads nila sa “Eat Bulaga” ay walang guest appearance.

Kung tutuusin, pwedeng-pwede naman dahil joint venture ito ng APT Films, M-Zet Films at GMA Films. APT ang management company ni Maine, si Vic Sotto ang producer ng M-Zet at GMA talent si Alden. Wala ring kinuhang Kapuso star para mag-cameo role.

Taga-labas pa ang kinuhang makakasama nina Alden at Maine sa kanilang movie, si Jasmine Curtis-Smith na talent ng TV5 at Viva Entertainment.

Si Mike Tuviera ang director ng “Imagine You & Me” na kinunan sa Italy ang halos kabuuan ng pelikula. Malaki ang tiwala niya at ng production team na kahit walang big stars na suporta ang AlDub love team, maitatawid nina Alden at Maine nang bonggang-bongga ang kanilang first solo movie na anniversary treat nila sa kanilang fans and supporters.

Showing ang “Imagine You & Me” sa July 13 na first anniversary ng AlDub love team. Kung panonoorin ito ng AlDub Nation at iba pang silent supporters nina Alden at Maine, sure hit na ang IY&M sa takilya. Balita namin, bukod sa panonood ng regular run nito sa mga sinehan, magkakaroon pa ng block screenings ang AlDub fans bilang suporta sa first solo movie ng kanilang mga idolo.

Dismayado

Hindi third wheel si Jasmine Curtis-Smith sa love team nina Alden Richards at Maine Mendoza sa “Imagine You & Me.”

Disappointed lang ang AlDub fans sa mga sagot ni Jasmine sa isang interbyu sa kanya tungkol sa movie. Para raw kasing hindi niya alam ang title at kung sino ang director ng movie.

React ng fans, nag-shoot siya, hindi niya alam kung sino ang direktor? Na-bash si Jasmine nang bonggang-bongga.

Nag-sorry naman agad siya sa pamamagitan ng kanyang Instagram account. Ayon naman sa isang source, binilinan si Jasmine ng production staff na huwag muna niyang sabihin na kasama siya sa pelikula. Pinagsabihan din siya diumano na huwag munang banggitin ang title, mga kasama niya at director ng pelikula. ’Yun naman pala!

May kapalit na

Si Anne Curtis ang greatest love ni Sam Milby. Nu’ng nag-break sila seven years ago, walang nabalitang niligawan o ipinalit si Sam kay Anne. Pero ang huli, naka-move on agad at nakahanap ng bagong love, si Erwan Heussaff. Six years na together sina Anne at Erwan and hopefully, hahantong sa kasalan ang kanilang relasyon. Hopefully next year na nga ba? Abang-abang nalang pag may time.

Si Sam naman ay mukhang nakahanap na ng bagong love of his life. Kapangalan pa ng younger sister ni Anne na si Jasmine Curtis-Smith. Mari Jasmine ang sinasabing nagpapasaya ng puso ngayon ni Sam. Model-TV host si Mari na isang Filipina-British.

Sa post ni Anne sa kanyang social media account, happy siya for Sam. Noon pa raw niya alam ang tungkol kina Sam at Mari. Good friends sila ni Sam kahit nag-break sila.

Gumawa pa nga sina Anne at Sam ng isang pelikula under Star Cinema. May mga nag-ilusyon pang baka raw magkaroon ng second chance ang dalawa. Sorry nalang dahil very much together at very much in love si Anne kay Erwan nang gumawa sila ng movie ni Sam a few years ago.

Makukunsiyensiya

Mamaya sa “Once Again,” makukunsiyensiya si Des (Janine Gutierrez) sa pag-aaway nina Aldrin (AljurAbrenica) at JV (Jeric Gonzales). Magdedesisyon siyang layuan na ang magkapatid. Magso-sorry si Aldrin kay JV at sasabihing suntukin siya nito.

Iiwasan ni JV si Aldrin. Aamin si Aldrin na mahal niya si Des. Pakakawalan na ni JV si Des dahil nakikita niyang hindi ito Masaya kapag kasama siya.

Tutok lang sa mga kaganapan sa “Once Again” sa GMA Telebabad.

comments