Home » News » News Roundup » Dating pulis tinodas sa QC

Dating pulis tinodas sa QC

Binaril at namatay ang isang retiradong pulis sa Quezon City noong Miyerkules. Kinilala ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit ang biktima na si PO3 Elegio Pascual, may asawa, dating nakatalaga sa Philippine National Police Headquarters Support Service sa Camp Crame, Quezon City at residente ng Area 5, Sitio Cabuyao, Barangay Sauyo, Novaliches.

Ayon sa salaysay ng isang residente sa mga pulis, nasa loob siya ng kanyang bahay ng makarinig siya ng mga putok ng baril.

Lumabas siya at nakitang nakahandusay sa kalye ang biktima malapit sa kanyang bahay. Dinala ang biktima sa ospital kung saan siya idineklarang patay.

Nagtamo ng tama ng bala ang biktima sa dibdib na tumagos sa kanyang likod. Hinihinila ng mga pulis na ang pagiging bayolente ng biktima pag nalalasing ang dahilan ng pagpatay.

Iniulat ng QCPD Station 4 na ang suspek ay may tangkad na 5’5”, 40 taong gulang, at may dalang back pack.
(Francis T. Wakefield)

comments