Home » News » News Roundup » Katulong ginahasa ng 6 lalaki

Katulong ginahasa ng 6 lalaki

Arestado ang isa sa anim na lalaki na gumahasa umano ng isang 22 taong gulang na katulong sa Marikina City noong Lunes.

Ayon sa mga pulis, naaresto ang suspek nang bumalik siya sa bahay sa Barangay Malanday kung saan nila ginahasa ang biktima na taga-Antipolo City.

Bago ang insidente, naghihintay ang biktima ng traysikel sa Barangay Malanday ng bigla siyang hinabol ng dalawang lalaki.

Tumakbo ang biktima at humingi ng tulong sa mga suspek na nagiinuman. Sumama ang biktima sa inuman at hindi na siya hinabol.

Lumipat ang mga suspek sa isang bahay at isinama ang biktima at doon itinuloy ang inuman. Nalasing ang biktima at nagpapahinga sa isang tent nang siya ay pasukin ng mga suspek at halinhinang hinalay habang may nakatutok na patalim sa kanyang leeg.

Nagsumbong ang biktima sa mga pulis at naaresto ang isa sa mga suspek sa follow-up operation. Inamin ng naarestong suspek ang krimen at pinangalanan ang kanyang mga kasabwat na pinaghahanap na ng mga pulis. (Madelynne Dominguez)

comments