Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Lalaki patay sa motorcycle crash

Lalaki patay sa motorcycle crash

GENERAL TRIAS CITY, Cavite – Nasawi ang isang 27-anyos na lalaki nang sumalpok ang minamaneho niyang motorsiklo sa isang poste sa kurbadong parte ng daan sa Barangay Pasong Kawayan II ng lungsod kahapon.

Kinilala ni PO3 Fruelan Mendeja Manic, case investigator, ang biktima na si Joniel Yagono Cebrian, isang bagger at residente ng Barangay Buenavista II, General Trias.

Dead on arrival si Cebrian sa Medicare Hospital dahil sa matin-ding pinsala sa katawan.

Ayon kay Manic, minamaneho ni Cebrian ang isang black and white Honda Wave motorcycle (9122-UC) patungong Manggahan area nang maganap ang aksidente sa oras na 3:45 ng umaga. (Anthony Giron)

comments