Home » News » News Roundup » Obrero utas sa gumuhong pader

Obrero utas sa gumuhong pader

Patay ang isang 48 taong gulang na foreman pagkatapos madaganan ng pader sa Quezon City noong Miyerkules. Kinilala ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit ang biktima na si Eduardo Alabin ng Riverside St., Barangay Sauyo, Novaliches, Quezon City.

Ayon sa imbestigasyon, si Alabin ay isang foreman ng ginagawang bahay sa September St., Congressional Village, Barangay Bahay Toro.

Salaysay ni Armando Buena, kasamahan ng biktima, sa mga pulis, nagtratrabaho siya ng makita niyang biglang gumuho ang isang pader sa tapat ng biktima at nadaganan.

Kaagad tinanggal ng mga kasamahan ni Alabin ang gumuhong pader pero patay na ang biktima. Nagtamo ng mga sugat at matinding bali sa katawan ang biktima na kaagad nitong ikinamatay. (Vanne Elaine P. Terrazola)

comments