Home » Entertainment » Tagong relasyon

Tagong relasyon

PAREHONG walang inaamin ang showbiz couple na ito na may relasyon sila. Neighbors sila sa isang exclusive village sa QC at walking distance lang ang pagitan ng kanilang respective houses.

Ayon sa kanilang neighbors, halos gabi-gabi raw ay nagpupunta ang male celebrity (MC) sa house ng female celebrity (FC). Super ingat ang showbiz couple na ito sa kanilang itinatagong relasyon. Bakit kaya? Pareho naman silang walang sabit at marami ang nagsasabing bagay sila.

Sa mga interbyu kay MC, hindi man siya diretsang umaamin sa relasyon nila ni FC, halata namang love na love niya ito.

May tsika pang kamakailan lamang ay binigyan ni MC si FC ng isang brand-new van. Nakikita ng kanilang neighbours na nakagarahe ito sa house ni FC.

comments