Home » Entertainment » Adik sa sugal

Adik sa sugal

NAIKWENTO ng ating source ang pagiging adik umano sa sugal ng isang aktor na talent ng malaking network. Umabot pa raw sa puntong naisanla ang mamahaling sasakyan nito dahil sa pagsusugal.

Naisanla ito sa isang business man sa bandang norte. Paksa ng bulung-bulungan sa lugar doon ng ating source ang mamahaling sasakyan na pag-aari ng aktor na nakaparada roon.

Ang aktor ay produkto dati ng sumikat na teenage youth-oriented drama show na originally ay nasa kilalang newtwork and eventually ay lumipat sa kalabang network.

Binalikan namin ang source recently upang itanong uli kung nakaparada pa rin doon ’yung sasakyan ng aktor at eto ang sagot ng source, “Hindi na at hindi ko na nakikita rito yung sasakyan e.” Alam mo na. (Dante ‘Danz’ A. Lagana)

comments