Home » News » News Roundup » Barangay tanod tinodas

Barangay tanod tinodas

Tinodas ang isang barangay tanod sa harap ng kanyang bahay sa Nikon St., Barangay Commonwealth, Quezon City noong Huwebes.

Kinilala ng Quezon City Police District Station 6 ang biktima na si Rommel Tupas, 45, tanod ng Barangay Commonwealth.

Ayon sa mga pulis, naglalaba ang kapitbahay ng biktima sa loob ng kanyang bahay nang makarinig siya ng mga putok ng baril sa labas.

Lumabas ang kapitbahay at nakita niya ang biktima na duguan at nakahandusay sa tapat ng kanyang bahay. Nagtamo ng ilang tama ng bala sa katawan ang biktima na kaagad niyang ikinamatay.

Hawak na ng QCPD-Criminal Investigation and Detection Unit ang kaso. (Vanne Elaine P. Terrazola)

comments