Home » News » News Roundup » ‘Drug lord’ natagpuang patay

‘Drug lord’ natagpuang patay

Natagpuang patay ang isang lalaki sa Tondo, Manila kahapon. Ang biktima ay tinatayang 25 hanggang 30 taong gulang, may tangkad na 5’3”, at nakasuot ng pulang polo shirt at denim pants.

Natagpuan ang biktima na may tama ng bala sa tenga sa kanto ng IPB Road at Road 10, Barangay 20. Narekober ang isang karton na may nakasulat na “Chinese drug lord ako” malapit sa katawan ng biktima.

Isang lalaki na nakilala lamang sa pangalang Chairman Parce ang nagtangka umanong makialam sa imbestigasyon ng pulisya sa kaso.

Hindi nagpakilala si Parce at hindi agad kumilos nang pinaalis ng mga pulis. Nalaman lamang ng mga pulis ang katauhan ni Parce sa mga residente. (Betheena Kae Unite)

comments