Home » News » News Roundup » Electrician nakuryente

Electrician nakuryente

Patay ang isang electrician pagkatapos makuryente habang nagtratrabaho sa isang bahay sa Cabotaje St., Barangay Paltok, Quezon City noong Huwebes.

Kinilala ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit ang biktima na si Noel Doria, 43, residente ng Bagong Silangan, Caloocan City.

Ayon sa kasamahan ng biktima na si Leo Malapajo, nagkakabit sila ng kuryente nang biglang mawalan ng malay at bumagsak sa sahig si Doria.

Dinala ni Malapajo at ng may-ari ng bahay ang biktima sa ospital kung saan siya idineklarang patay. Hinala ni Malapajo na nakuryente ang biktima habang ginagawa nila ang mga kable ng kuryente sa bahay.

Sinusuri na ang bangkay ng biktima at iniimbestigahan na ang kaso. (Vanne Elaine P. Terrazola)

comments