Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Matadero utas sa barangay chief

Matadero utas sa barangay chief

ROSALES,Pangasinan – Dinakip ng police ang isang barangay chairman matapos niyang pagbabarilin hanggang sa mamatay ang isang matadero sa Barangay San Pedro West ng bayang ito, Huwebes ng gabi.

Ayon sa police, inaresto si Barangay Chairman Crisanto Coloma, 60, matapos niyang mapatay ang kanyang kapitbahay na si Allan Garcia, 35.

Base sa inisyal na imbestigasyon, nag-uusap ang biktima at ang kanyang tiyahin na si Marina Garcia sa beranda ng tahanan ng huli nang makita nilang papalapit sa kanila si Coloma at barangay tanod na si Alex Idio bandang alas-6:30 ng gabi.

Ayon kay Marina, binati pa nila ang barangay chairman ngunit ang isinagot ng suspek ay tatlong putok ng baril para kay Garcia.

Isinugod ang biktima sa Infirmary Unit ng municipalidad ngunit ideneklarang dead on arrival siya dahil sa tama ng bala sa ulo. Kaagad na nadakip ng mga pulis ang suspek sa kaniyag tahanan. (Liezle Basa )

comments