Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Paulo and Bea dating?

Paulo and Bea dating?

Paulo Avelino

KAABANG-abang ang Metro Manila Film Festival 2016 na gaganapin sa December. Bongga at exciting ang restructuring nito at kapana-panabik ang stream of events na magaganap within six months tungo sa pinakahihintay na film festival na magsisimula mula December 25 hanggang first week ng January 2017.

Si MMDA Chairman Emerson Carlos ang head ng MMFF 2016 Executive Committee. Kabilang sa bumubuo nito sina Ms. Boots Anson-Rodrigo, Wilson Tieng at iba pa mula sa private at public sectors.

Opisyal na binuksan ang refreshing at bagong season ng MMFF 2016 na layuning ipagdiwang ang artistic excellence ng mga Pilipino at pag-ibayuhin ang pagpapatuloy ng Philippine film industry sa pamamagitan ng isang cinematic revolution na tinatawag na #reevolution.

May exciting line-up ng mga activity at bagong selection committee criteria para sa mga prodyuser na gustong sumali sa festival. Ang mga kundisyon para sa walong pelikulang mapipili ay kailangang may magandang istorya, audience appeal, overall impact, cinematic attributes at technical excellence, global appeal at Filipino sensibility.

Sa July 8 ang deadline ng submission ng letter of intent ng mga prodyuser na gustong sumali sa festival. Pwede ’yung mga pelikulang naisali na sa international film festival basta hindi pa naipapalabas sa mga sinehan dito sa Pilipinas.

Sa Oct. 31 ang deadline ng submission ng finished product para sa full-length films at sa Oct. 19 ang para sa short films. Ang eight official entries na mapipili ay ipapahayag sa Nov. 10. Ang Parade of Stars ay sa Dec. 23 at ang Awards Night ay sa Jan. 8, 2017.

Magkakaroon ng logo design at theme song contest ang MMFF 2016. Ang magwawagi sa logo competition ay pipiliin ng bagong executive committee, samantalang sina Jimmy Bondoc, Jerrold Tarog at Robert Rivera ang pipili ng theme song. Ang submission ng entries ay mula July 15 hanggang Aug. 15.

Magpapalabas ang MMFF ng “Best of the Best” festival movies sa mga piling sinehan. Magkakaroon din ng FanCon na magbibigay ng pagkakataon sa moviegoers na makasalamuha ang mga prodyuser, direktor at artista ng mga kasaling pelikula sa isang movie exhibit at interactive affair.

Bukod sa mga bagong bumubuo ng MMFF Executive Committee, mga bago rin ang board of jurors sa mga ipagkakaloob na awards. May bago ring recognition award, People’s Choice Award.

Sila na ba?

Kung ayaw aminin ni Luis Manzano na may namamagitang “something” between him and Jessy Mendiola, ganu’n din kaya si Paulo Avelino? Nali-link sila ngayon ni Bea Alonzo at kamakailan ay may sighting sa kanilang dalawa na magkasama sa isang bar.

Base sa lumabas nilang picture sa social media, mukhang komportable sila sa isa’t isa. Bago ang bar sighting, nakita rin silang magkasama noon sa isang restaurant.

Noong nagbakasyon si Bea sa Singapore kasama ang good friend niyang si Enchong Dee, ’andun din si Paulo. Lumabas ang picture nila sa social media na nakatalikod pa nga si Paulo. Pero nakilalang siya ’yun.

Wala namang masama kung aaminin nina Bea at Paulo na may something special na namamagitan between them. Matagal nang break sina Bea at Zanjoe Marudo, gayun din sina Paulo at KC Concepcion. Happy heart na uli ngayon si KC dahil sa Azkals football player na si Aly Borromeo. Ewan lang kung may bagong nagpapasaya ng puso ngayon ni Zanjo.

Kabog!

Nakabog ni Jessy Mendiola sina Jennylyn Mercado at Nadine Lustre sa 2016 FHM’s 100 Sexiest Women. Sa final and official result ng online poll voting ay nanguna si Jessy.

Sa mga nakaraang botohan ay nanguna si Jennylyn. Sa mga sumunod na botohan ay nanguna naman si Nadine. Pero nakahabol si Jessy at siya ang nagwagi. Bongga!

Makatulong kaya kay Jessy ang pagiging Number One Sexiest Woman? Bumongga na kaya to the max ang kanyang career?

Nangyari ito kay Jennylyn nang siya ang tanghaling Top One sa 2015 FHM’s 100 Sexiest Women. Nagkasunud-sunod ang kanyang TV at movie projects. Tinagurian siyang RomCom Queen at nanalo pa siya ng acting award.

Bongga rin ang love life ni Jen. May Dennis Trillo na nagpapasaya ng puso niya. Si Jessy, may Luis Manzano nga, pero idine-deny naman nito ang napapabalitang relasyon nila. Ano nga ba ang totoo?

Anyway, next month ang formal announcement ng FHM sa 100 Sexiest Women ngayong 2016. Abang-abang na lang.

comments