Home » News » News Roundup » Tulak timbog sa buy-bust

Tulak timbog sa buy-bust

Naaresto ang isang kilabot na drug pusher sa isang buy-bust operation noong Huwebes sa Navotas City.

Kinilala ng Navotas police ang biktima na si Leo Mallada, 24, ng Barangay San Roque, Navotas. Naaresto ang suspek pagkatapos magbenta ng hinihinalang shabu sa mga police poseur-buyer malapit sa isang tulay sa Barangay San Roque.

Nasamsam kay Mallada ang apat na sachets ng hinihinalang shabu. Naaresto ang suspek bunsod ng impormasyon na ibinigay ng isang concerned citizen sa mga pulis tungkol sa kanyang illegal na gawain.

Nakakulong ang suspek sa Navotas police headquarters. (Jel Santos)

comments