Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » ASG bomb expert nahuli

ASG bomb expert nahuli

ZAMBOANGA CITY – Timbog ang isang sub-leader ng Abu Sayyaf Group (ASG) at isa pang kasamahan nito matapos ang isang operasyon Biyernes ng madaling-araw sa Sitio Nangka-Nangka, Barangay Sungkayot, Ungkaya Pukan sa Basilan province.

Kinilala ni Armed Forces of the Philippines, Western Mindanao Command (AFP-WestMinCom) Spokesman Maj Filemon I Tan, Jr., ang mga suspek na sina ASG sub-leader Mudzrih Abih Adjalan alyas Idol at ang kasama nito na kinilala lamang sa pangalang Yasir.

Ayon pa kay Tan, Kilala si Adjalan bilang isang bihasa sa paggawa ng Improvised Explosive Devices (IEDs) at responsable umano sa ilang mga pagsabog sa Zamboanga City, Isabela at Lamitan sa Basilan province.

Sangkot din si Adjalan sa pagpatay kay Godofredo Oraw, Jr. at Homer Dela Fuente sa Lamitan City noong June 25, 2013. (Nonoy E. Lacson)

comments