Home » Entertainment » Jake no girlfriend by choice after Bea

Jake no girlfriend by choice after Bea

3jake vargas1 instagram copy

PUMIRMA noong nakaraang March 2016 ng exclusive contract with GMA Artist Center ang Kapuso actor na si Jake Vargas.

Dating nagma-manage sa career ni Jake ay ang yumaong Master Showman na si German “Kuya Germs” Moreno. Bago nga ito pumanaw ay hinabilin na si Jake sa GMAAC.

“Noong unang ma-stroke si Tatay, sabi niya sa akin na ihahabilin na niya ako sa GMA Artist Center. Kasi hindi na raw niya kakayanin ang asikasuhin ako.

“Pero ako ang tumanggi kasi nasanay na ako na siya ang nag-aasikaso ng lahat para sa akin.

“Masyado akong na-spoil ni Tatay kaya gusto ko siya pa rin ang manager ko.

“Pero noong mawala na nga siya, tinupad naman ng GMAAC na sila ang mag-manage na sa akin.

“Kaya nagpapasalamat ako na may mga naihanda na silang mga projects for me at alam kong masaya si Tatay saan man siya ngayon dahil may nag-aasikaso na sa akin,” ngiti pa niya.

Magpipitong-buwan na simula noong mamaalam si Kuya Germs sa showbiz. Hanggang ngayon ay hindi pa rin masyadong maka-get over si Jake.

“Nami-miss ko siya everyday.

“Tulad nga ng sinabi ko, nasanay akong si Tatay ang nag-aasikaso sa akin.

“Siya ang bahala sa schedules ko at kapag kailangan niya akong pagalitan, papagalitan niya ako. Nagsu-sorry naman ako kay Tatay after. Nadaanan ko siya sa lambing.

“Ngayon at wala na nga siya, I can still feel na nandiyan siya at ginagabayan ako. Forever kong tatanawin ang utang na loob sa kanya. Kung wala si Tatay, walang Jake Vargas.”

Wala pa raw nakahandang teleserye para kay Jake, pero magge-guest daw siya sa iba’t ibang shows ng GMA-7.

“For now, ang regular ko ay ‘Pepito Manaloto.’ My last teleserye was ‘Buena Familia.’ May hinahanda na raw sila, pero sa last quarter of the year pa raw iyon.

“May paghahandaan akong show sa Music Museum titled ‘Oh Boy’ with Derrick Monasterio, Rocco Nacino, and Aljur Abrenica.

“I did ‘Lip Sync Battle Philippines’ kung saan makakalaban ko si Ken Chan and last week, I portrayed Jeyrick Sigmaton a.k.a. Carrot Man sa ‘Magpakailanman’.”

Dahil gustong mag-focus ni Jake sa kanyang career, may “no girlfriend” rule siya para sa kanyang sarili.

Ever since nag-break sila ni Bea Binene, wala raw iba pang nililigawan si Jake.

“Wala pa talaga akong niligawan after Bea. Gusto ko munang maging single.

“Pero kami ni Bea, friends naman kami. Nagbabatian naman kami kapag nagkikita kami.

“At least siya naka-move on na kasi may boyfriend na raw siyang bago.

“Ako wala munang girlfriend. I’m in a relationship with my career right now,” pagtapos ni Jake Vargas.
(RUEL J. MENDOZA)

comments