Home » News » News Roundup » Kolektor binaril sa Manila

Kolektor binaril sa Manila

Binaril at namatay ang isang parking collector sa harap ng kanyang 12 taong gulang na anak sa Binondo, Manila kahapon.

Kinilala ni PO3 Milbert Balinggan, may hawak ng kaso ng Manila Police District Homicide Section, ang biktima na si Zaldo Capulong, 47, residente ng Wagas St., Tondo, Manila.

Ayon kay Balinggan, naglalakad ang biktima at kanyang anak sa kanto ng Recto Ave. at Juan Luna St. nang biglang sumulpot ang isang lalaki sa kanilang likuran.

Bumunot ng baril ang suspek at binaril ang biktima sa likod. Tumakas ang suspek, na matangkad, katamtaman ang balat, at nakasuot ng itim na jacket at maong pants, dala ang baril na ginamit samantalang dinala ang biktima sa ospital kung saan siya idineklarang patay. (Analou de Vera)

comments