Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Lady bar owner tepok sa pamamaril

Lady bar owner tepok sa pamamaril

MARIVELES, Bataan – Patay ang isang beerhouse owner matapos barilin ng hindi pa nakikilalang mga lalaki sa loob ng mismong bar nito sa Lucanin town.

Ayon kay police chief Supt Crizalde Conde, patay ang biktima na si Gloria Capitan, 57-anyos at asawa ng isang barangay councilor nang barilin ito ng riding-in-tandem na mga kalalakihan habang nakaupo sa loob ng kaniyang bar.

Ayon sa witness na si Ariane Jabasa na waitress ng bar, tumigil ang mga nakamotor na mga suspek at pumasok ang isa sa loob ng kanilang lugar kung saan agad nitong inakap ang ulo ng biktima na pinagbabaril nito.

Agad humaruruot palayo ang mga suspek at iniwan na nakahandusay si Capitan. Nakuha ang tatlong empty shells ng .45 caliber pistol matapos ang imbestigasyon ng Bataan police.

Samantala pumirma naman ang waiver ng anak ng biktima na nagnanais na hindi na sumailalim sa autopsy ang bangkay ng ina. Sa kabila nito ay patuloy ang follow-up operation ng pulisya upang matukoy ang mga kriminal. (Mar Supnad)

comments