Home » News » News Roundup » Lalaki tinodas sa Caloocan

Lalaki tinodas sa Caloocan

Binaril at namatay ang isang lalaki sa harap ng kanyang kapatid sa Caloocan City noong Biyernes. Kinilala ng Caloocan police ang biktima na si Teddy Regalado, 43, ng Barangay Camarin.

Ayon sa imbestigasyon, dumating ang suspek na nakilalang si “Allen” sa bahay ni Regalado at hinanap ang kanyang nawawalang kable sa biktima.

Itinanggi ni Regalado na ninakaw niya ang kanyang gamit at sinuntok ng biktima ang suspek. Nag-away ang dalawa at tinangka silang awatin ng kapatid ng biktima.

Bumunot ng baril ang suspek at binaril ang biktima sa ulo na agad nitong ikinamatay. Tumakas ang biktima dala ang baril na ginamit. (Jel Santos)

comments