Home » Sports » Ramirez hataw agad sa PSC

Ramirez hataw agad sa PSC

Matinding trabaho ang agad isasagawa ng papalit na Philippine Sports Commission Chairman William “Butch” Ramirez at apat nitong commissioners bukas sa opisyal nitong pagsisimula ng trabaho at responsibilidad sa ahensiya ng gobyerno para sa sports ng bansa.

“We will have a quick data gathering on the first week and then try to visit some of the existing facilities and have a meeting with other government agencies such as the Commission on Higher Education (CHED) and the Department of Interior and Local Government,” sabi ni Ramirez.

Ookupahan muli ni Ramirez ang puwestong kanyang pinagsilbihan simula 2005 hanggang 2009 bago ito pinalitan ni Richie Garcia.

“We will have a lot of meetings in our first 100 days kasi we want to pursue some laws and Executive Orders that have not been implemented,” sabi ni Ramirez.

“We have the Palarong Pambansa now which has yet to be fully implemented, pati na rin yong sa Arnis Law being our national sports na hindi natin nabibigyang pansin.”

Agad din kukunin ni Ramirez ang lahat ng mga report mula sa regular at associate na miyembro ng POC na national sports association (NSA’s) upang marebisa at mapag-aralan ang kanilang paghahanda at mga resulta ng kanilang mga sinalihang mga torneo.

“I am clear with my work now. I work for our President Rodrigo Duterte and the Filipino people,” sabi pa ni Ramirez. (Angie Oredo)

comments