Home » News » News Roundup » 2 tulak natagpuang patay

2 tulak natagpuang patay

Natagpuan ang katawan ng dalawang hinihinalang drug pusher sa ilalim ng Quezon Bridge sa Quiapo, Manila kahapon.

Natagpuan ng isang vendor ang mga katawan at kaagad niyang ipinagbigay alam sa mga otoridad. Nakasuot ng puting shirt at khaki short pants at may mga tattoo sa katawan ang isa samantalang nakasuot ng asul na sleeveless shirt at denim shorts ang pangalawa.

Nakataas ang kanilang mga suot na pangitaas hanggang sa dibdib at may natagpuang karton na may nakasulat na “Wag tularan, pusher ako” malapit sa kanila.

Nakapiring ang kanilang mga mata ng duct tape. Hinala ng mga pulis na sinakal ang mga suspek hanggang mamatay at biktima sila ng salvage o summary execution. (Betheena Kae Unite)

comments