Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Abra town dad binaril

Abra town dad binaril

BANGUED – Malubhang nasugatan ang isang town councilor at dalawang iba nang pagbagbarilin sila ng dalawang lalaking nakamotorsiklo sa Magallanes Street, Zone 5, Bangued, Abra, alas-8 ng gabi nitong Sabado.

Kinilala ng police ang mga bikitma na sina Allen Brix L. Bachiller, konsehal ng Bangued; ang kanyang kapatid na si Angelo Bachiller; at isang alyas Ben, 12, nakatira sa Macray, Bangued.

Ayon sa police report, kalalabas lang ng magkapatid na Bachiller sa Tropicana Bar at papasakay na sana ng kanilang sasakyan (Innova ZPU 924) nang biglang dumating ang dalawang lalaki sakay ng motorsiklo at paputukan sila ng baril.

Tinamaan ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang konsehal samantalang nasugatan naman ang kanyang kapatid sa hita. Nahagip din ng bala ang kaliwang binti ni Ben.

Napag-alaman na pumasok ang Bachiller brothes sa bar para sunduin ang girlfriend ni Angelo.

Isinugod ng isang tricycle driver ang mga biktima sa Seares Memorial Hospital, ngunit agad na inilipat si Bachiller sa isang ospital sa San Fernando City, La Union.

Na-recover ng mga imbestigador sa crime scene ang mga basyo ng bala mula sa .45-caliber pistol at tatlong bala mula sa .32-caliber pistol.

Tinutugis ngayon ng mga pulis ang mga salarin. (Freddie G. Lazaro)

comments