Home » Sports » Blu Girls sali sa World Cup

Blu Girls sali sa World Cup

Makikipaghatawan ang Philippine Blu Girls kontra sa mas matataas na dayuhang softbelles sa pagsabak sa World Cup of Softball XI simula Hulyo 5 hanggang 10 sa ASA Hall of Fame Complex sa Oklahoma City.

Ang Blu Girls, na kasalukuyang nasa ika-23rd sa world rankings, ay makakasagupa ang No. 2 USA, No. 3 Australia, No. 6 China, No. 7 The Netherlands, No. 11 Puerto Rico at ang No. 19 Venezuela sa Pool A ng torneo na lalahukan ng rekord na kasaling 12 bansa ngayong taon.

Ang isa pang grupo ay tampok ang top-ranked at kasalukuyang world champion na Japan, No. 4 Canada, No. 8 New Zealand, No. 10 Czech Republic, No. 14 Mexico, at ang USA Elite.

Unang makakaharap ng mga Pinay sa kanilang kampanya ang host USA sa Hulyo 5 bago harapin ang China sunod na araw at ang Puetro Rico sa Hulyo 7.

Matapos ang torneo sa Oklahoma, ang Blu Girls ay magtutungo sa Canada upang lumahok sa 2016 Women’s Softball World Championship na magaganap sa Huyo 15 hanggang 24 sa Surrey. (Angie Oredo)

comments