Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Farmer nakuryente

Farmer nakuryente

PASUQUIN, Ilocos Norte – Isang farmer ang namatay matapos na makoryente habang inaayos ang isang electric water pump sa Sitio Nagsabaran, Barangay Santa Catalina, Pasuquin, Ilocos, Norte, nitong Sabado.

Ayon sa police report, dead on arrival si Oscar Dalere, 51, sa ospital kung saan siya isinugod matapos na matagpuan siyang nakahandusay at walang malay sa tabing ilog habang hawak ang kable ng koryente.

Bago naganap ang insidente, nagpaalam ang biktima na pupunta sa kanyang bukid para makakuha ng water supply para kanyang bahay gamit ang electric water pump na nakalagay sa tabing ilog. (Freddie G. Lazaro)

comments