Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Magsasaka patay sa kidlat

Magsasaka patay sa kidlat

MARCOS, Ilocos Norte – Patay ang isang magsasaka nang tamaan ng kidlat habang patungong bukid sa Sitio Tabucbuc, Marcos, Ilocos Norte, noong Sabado.

Ayon sa police, minamaneho ni Vicente Arellano Juan, 59, ang kanyang motorsiklo papuntang sa kanyang farm nang tamaan ng kidlat.

Namatay noon din ang biktima dahil sa tindi ng pinsala sa katawan.

Si Juan ang pangatlong magsasaka na namatay matapos tamaan ng kidlat ngayong taong ito, base sa police report. (Fredde G. Lazaro)

comments