Home » News » News Roundup » Pusher todas sa buy-bust

Pusher todas sa buy-bust

Patay ang isang hinihinalang drug pusher nang manlaban sa mga pulis sa isang buy bust operation sa Tondo, Manila kahapon.

Kinilala ng mga pulis ang suspek na si Nonoy Bulkan, residente ng Breakwater, Manila. Ayon kay Senior Insp. Gilbert Cruz, hepe ng Manila Police District Station 1 Station Anti-Illegal Drugs-Special Operations Task Group, magkakabentahan ng hinihinalang shabu na halagang P1,500 ang suspek at mga pulis sa Barangay 101 malapit sa Radial Road 10 nang mapansin niyang sila ay mga alagad na batas.

Bumunot ng baril ang suspek pero naunahan siya ng mga pulis at binaril. Agad na namatay ang suspect na nasa listahan ng drug personalities ng MPD Station 1. (Betheena Kae Unite)

comments