Home » Entertainment » Xian-Kim relationship hangs in the balance

Xian-Kim relationship hangs in the balance

Xian and Kim

Hanggang ngayon pala ay ayaw pa ring lagyan ng label ni Xian Lim ang relationship nila ni Kim Chiu.

“Wala tayong ibibigay na label para diyan,” sabi ni Xian nang mag-guest siya sa ABS-CBN morning talk show na Magandang Buhay.

Tila umiwas si Xian nang kulitin siya ng hosts na sina Karla Estrada, Jolina Magdangal, at Melai Cantiveros para umamin kung sila na ba talaga ni Kim.

Nauna kasi rito ay nadulas si Xian nang matanong kung nasabihan na ba siya ng “I love you” ni Kim. “Parang ang daming beses na niyang sinabi,” ani Xian.

Taong 2012 pa raw nang una niyang ipahayag kay Kim na mahal niya ito. “May sinabi kasi ako kay Kim noon e. Matagal na, 2012. Kasi nga nagpaparamdam na ako palagi, tapos sinabi ko sa kanya, ‘Gusto ko lang sabihin sa iyo na mahal kita. Pero okay lang, hindi ko naman hinihintay ’yung reply mo na sabihin sa akin na, ‘I love you too.’ At your own pace sabihin mo sa akin na, ‘I love you too.’”

Ano ’yung mga qualities na hinahangaan niya kay Kim? “Kim is a very sweet girl and maalaga si Kim.”

Mahilig din daw mang-surprise ni Kim. “Noong birthday ko last year, sinurprise niya ako. Actually, siya talaga ’yung mahilig mang-surprise, sa family niya, sa akin.”

Pero nabigyan na rin daw niya ng surprise si Kim. Ang most memorable nga sa kanya ay noong Valentine’s Day two years ago. “Nag-start yung araw namin ng 5am, nag-hot air balloon kami sa Pampanga. Tapos nag-yate kami sa Subic. Kung anu-anong activities ang ginawa namin, nagkabayo kami. Kasama namin ’yung mga kapatid niya. Tapos pumunta kami saTarlac, nag-go cart racing. Doon kami nag-dinner. So, buong araw talaga hanggang midnight,” kuwento ni Xian.

comments