Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » 2 tulak, dedo sa engkwentro

2 tulak, dedo sa engkwentro

DAGUPAN CITY, Pangasinan – Patay ang dalawang hinihinalang top drug personalities matapos ang isa umanong engkwentro sa Green Bee Cottage, Bonuan Tondaligan kahapon ng hapon.

Tepok sina Opay Catungal, sinasabing #1 drug personality ng Malasique, Pangasinan at JP Cornel na nasa watch list ng pulisya.

Ayon kay Supt. Ferdinand de Asis, chief ng PCR branch ng Pangasinan Police, nauwi sa engkwentro ang buy-bust operation nang bumunot ng .45 caliber pistol ang mga suspek at paputukan ang papalapit na mga pulisya.

Natunugan umano ng mga suspek na pulis ang kanilang kaharap sa isang bentahan. Bukod sa baril ay naglabas din ng granada ang isa sa mga ito.

Kasalukuyang iniimbestigahan naman ng element ng Scene of the Crime Operatives ang pinangyarihan ng engkwentro. (Liezle Basa Iñigo)

comments