Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Lalaki patay sa pamamaril

Lalaki patay sa pamamaril

BANGUED, Abra – Isang lalaki ang patay matapos pagbabarilin habang ipinaparada ang kaniyang sasakyan Linggo ng hapon sa Barangay Ubbog- Lipcan, Bangued, Abra.

Kinilala ang biktima na si Mardario Alcantara, 54-anyos at residente ng Barangay Ubbog- lipcan ng Bangued town. Dead on arrival ang biktima dahil sa iba’t-ibang tama ng bala sa katawan buhat sa hindi pa nakikilalang mga suspek na sakay ng motorsiklo.

Naganap ang pamamaril isang araw lamang matapos ang parehong insidente sa di kalayuang lugar na ikinasugat ng isang abogado na kinilalang si Allen Brix Lopez Bachiller gayundin ng kapatid nito na si Angelo at isang bystander na kinilala lamang sa pangalang “Ben”.

Si Bachiller ay isang bagong halal na Sangguniang Bayan member ng Bangued. Kasabay ng pagtiyak ng kapulisan na kanilang tinututukan ang kaso, nanawagan din si newly-elected Abra lawmaker Joseph Santo Nino Bernos na gawin ang lahat upang maresolba ang kaso at hindi maapektuhan ang imahe ng kanilang probinsiya. (Freddie G. Lazaro)

comments