Home » News » News Roundup » Motorbike binangga ng Montero; 1 patay

Motorbike binangga ng Montero; 1 patay

Patay ang isang 32-anyos na lalaki habang sugatan naman ang kanyang live-in partner matapos na mabangga ang minamaneho niyang motorsiklo ng isang humahagibis na kotse sa Caloocan City, umaga ng Linggo.

Kinilala ni SP02 Edgar Quintos, traffic investigator, ang namatay na si Pacayra Jimmy Abarquez, 32, residente ng Phase7, Bagong Silang, Caloocan.

Binawian ng buhay si Abarquez habang ginamot naman kanyang kinakasama na si Loyda Mabago, 29, sa Mercy Hospital sa Caloocan dahil sa matinding pinsala sa katawan.

Base sa imbestigasyon, nakasakay ang mag-asawa sa kanilang motorsiklo nang bumangga sila sa isang Mitsubishi Montero na walang lisensiya.

Dahil sa lakas ng pagbangga, tumilampon ang dalawa mula sa motorsiklo. Mabilis namang tumakas ang driver ng Montero. Pinaghahanap siya ng mga pulis. (Ed Mahilum)

comments