Home » News » News Roundup » Nagwalang parak, negatibo sa drugs

Nagwalang parak, negatibo sa drugs

Nag-negatibo sa drug test ang parak na nagwala sa loob mismo ng Manila Police District (MPD) headquarters noong Linggo ng hapon, ayon sa police report kahapon.

Bagamat napatuyan na hindi siya naka-droga nang siya’y maghuramentado, nahaharap si PO1 Vincent Paul Solares, 23, sa mga kasong alarm and scandal at malicious mischief.

Base sa report, napilitang mag-lockdown ang MPD headquarters nang bigla na lang magwala at dalawang beses na magpaputok ng baril si Solares bandang 3 p.m. ng Linggo.

Tinamaan ng bala ang kisame sa second floor ng MPD kung saan naroon ang opisina ng MPD district director. Hinabol din niya ang kanyang mga kapwa pulis.

Nang siya’y arestuhin, isinigaw ni Solares ang kanyang galit kay Manila Mayor Joseph Estrada: “ayaw ko kay Erap, ayaw ko sa pahirap.”

Nakakulong na si Solares ngayon sa General Assignment Investigation Section ng MPD. (Betheena Kae Unite)

comments