Home » News » News Roundup » 3 vendors nahuli sa shabu session

3 vendors nahuli sa shabu session

Sa kulungan ang bagsak ng tatlong sidewalk vendors matapos mahuli ng mga tauhan ng Department of Public Safety and Traffic Management (DPSTM) ng Caloocan City sa aktong pagsinghot ng shabu sa 5th Ave., Grace Park, noong Lunes.

Kinilala ni Supt. Ferdie del Rosario, deputy chief ng Caloocan police, ang mga nadakip na sina Leonardo Valenzuela, 46; Benedict Gimenez, 35; at Virgilio Gonzales, 33.

Base sa inisyal na police report, nagsasagawa ang DPSTM personnel ng clearing operation laban sa mga illegal vendors dakong 10 a.m. sa kahabaan ng 5th Ave. nang mamataan nila ang mga suspek na sumisinghot ng shabu.

Dinala ng mga DPSTM personnel ang mga naarestong suspek sa police station para maimbestigahan at masampahan ng kaukulang kaso. (Ed Mahilum)

comments