Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » DPWH workers positibo sa droga

DPWH workers positibo sa droga

GOVERNMENT CENTER, Palo, Leyte – Dalawampu’t tatlong empleyado ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Eastern Visayas ang nag-positibo sa paggamit ng shabu sa isang drug test na ipinatupad ng ahensiya.

Ayon kay DPWH 8 Acting Regional Director Edgar Tabacon, nakadestino ang naturang mga drug users sa DPWH Southern Leyte Engineering District sa Maasin City, Southern Leyte.

Labimpito sa mga ito ay na-dismiss na sa serbisyo ngunit ilan sa mga ito ay sumasailalim sa drug rehabilitation sa SALAG Rehabilitation sa Dulag, Leyte, na nasa ilalim naman ng Department of Health. (Nestor L. Abrematea)

comments