Home » News » News Roundup » Ro-Ro vessel nasunog

Ro-Ro vessel nasunog

Nasunog ang isang roll-on-roll-off (Ro-Ro) vessel habang nakadaong sa Navotas Fish Port noong Lunes ng gabi.

Ayon kay Navotas Bureau of Fire and Protection (NBFP), kasalukuyang sumasailalim sa pagkukumpuni ang M/V Grand Unity, na pag-aari ng isang Herman Mendez, nang biglang may marinig na pagsabog mula sa loob ng barko.

Kasunod nito ang pagsiklab ng apoy na tuluyang lumamon sa barko bandang 9 p.m., sabi ni Fire Officer 3 Junnibert Mendoza.

Nasawata ang apoy sa oras na 11 p.m., ayon sa fire investigation. Ayon sa NBFP, patuloy pa ang pagsisiyasat para malaman ang pinagmulan ng sunog. (Jel Santos)

comments