Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » 2 patay sa aksidente

2 patay sa aksidente

CAMP DIEGO SILANG, La Union – Dalawa ang patay matapos ang magkahiwalay na aksidente sa Bauang at San Fernando City sa La Union noong Miyerkules.

Ayon kay La Union Police’s Information Officer, Chief Inspector Artemio Infante, kinilala ang mga namatay na sina Denbert M. Fernandez, 30, residente ng Barangay Ballay, Bauang, La Union at si Romeo M. Paceo, 64, residente ng Barangay Sevilla, San Fernando City, La Union.

Base sa imbestigasyon ng Bauang Police Station, si Fernandez daw ay nagmomotorsiklo gamit ang kanyang Suzuki na may plate number 125 MC, bandang 4:30 ng hapon noong Lunes at tinatahak ang katimugang direksyon sa national highway ng Barangay Disso-or, kung saan nagtangka itong um-overtake sa isa pang sasakyan na naging sanhi ng pagkakabundol nito sa isang Toyota Town ace (CSK 944), na minamaneho ni Rodolfo E.

Sa San Fernando Police Station naman, iniulat na si Romeo Paceo ay nakasakay sa kanyang bisikleta kung saan siya ay galing sa katimugang direksyon ng daan at di umano’y nabundol ang kanyang ulo sa isang tricycle (3055 QQ) na minamaneho ni Felipe Lacaden, 28, nakatira sa Barangay Dili, Bauang, La Union, na siyang nanggaling naman sa hilagang direksyon sa national highway ng diversion road sa Barangay Sevilla. (Erwin Beleo)

comments